simpleng babae, sa komplikadong mundo... manood kayo sa tuwing galit ako, sa tuwing masaya ako, sa tuwing malungkot ako, at higit sa lahat, panoorin niyo ang katangahan ko tuwing inlove ako! BalahurA ang itawag mo sa akin.
ewan ko ba at ako na lang lagi pinagiinitan mo! nag-recite ako sayo... alam mong tama at may sense ang sagot ko! Putang ina! bat di mo ko binigyan ng grade! taena, tsaka sinong sinasabi mong nangbabackfight sayo? gago! hindi ako yun! sana tiningnan mo muna kung sinong nagsabi ng "SHE DESERVES IT!" putcha! kung ako nag backfight sayo, hindi lang yun ang maririnig mo!
Hindi ako galit sayo dati, pero ngayong sinumbong mo ako kay dean tungkol sa isang bagay na hindi ko naman ginawa, pwes pasyensyahan tayo!
teana, pinagmamalaki mo pa na taga UP ka... langhiya! panira ka talaga, akala ko lahat ng taga-UP karespe-respeto, nakakahiya ka sobra! Sana baguhin mo na ugali mo! Paranoid ka kasi eh! kala mo ikaw ang pinagbubulungan at pinaguusapan! taena, baliw ka ba????
taena!!! break na kami!!! oo masaya ako! pero galit ako! Ginago niya ako!!! Putang ina! But why should i care? sa ngayon nagpapakasaya siya sa ibang babae... hindi ako ang nawalan! Salamat at malaya na ako sa 'yo... manloloko!
Lahat sila nagtatanong, paano na ang mang yayari sa amin ni A****O? Ewan ko... pero alam mo kalat na sa class room yung tungkol sa amin. Isang beses may tinanung yung professor, eh hindi ko talaga masagot... naririnig ko sabi niya --- "mam can i save her?" putcha! hanggang tenga nanaman ang ngiti ko!
Sa totoo lang, feeling ko hindi ako liligawan nun. Siguro nga attracted kami sa isat' isa pero i don't think na ako yung pang girlfriend material niya... My GOD! How i wish!!!
Ang sarap ng feeling! Alam mo bang ganito ako kasaya ngayon dahil sayo?! Lahat ng problema ko parang nawala... hindi pala lahat… ikaw na lang pala pinuproblema ko.
Naalala mo ba noong una kitang napansin? Napansin mo din ako nun, diba? Tama ang hinala ko. Akala ko, wala lang para sayo… pero sa totoo lang napansin ko na ang mga tingin mo… kakaiba. Alam kong nahihiwagaan ka sa akin, kaya naman sayo lang ako tumingin noon. Nakita kita… oo kakaiba ka nga. Alam mo bang halos matunaw ako habang tinitingnan mo ako? Siyempre, hindi ako nagpahalata!
Minsan ibinabaling mo ang tingin mo sa iba, pero napansin ko na bumabalik sa akin ang mga mata mo. Kailangan ko ng “eye-contact” noong mga panahong iyon para maging maayos ang delivery ko at para hindi ako kabahan… Sayo nahulog ang mga mata ko, hindi ko akalaing pati puso ko mahuhulog din sayo.
In love na ako sayo… Ang tagal nating tinago ang nararamdaman natin. Bakit nga ba? Tingnan mo ngayon, hindi na tayo pwede maging “tayo”. Kung alam ko lang, sana hinintay kita. Pero ganun pa man, masaya ako na kahit papano nakita at napansin mo din pala ako.
I just can’t take you off my mind… ever since that day, that day when a friend told me “may crush din pala si A****o sayo…” hhhaaaayyyy *kilig2dabones*!
Kung alam nya lang kung gaano ako kasaya, parang hindi magkandaugaga ang puso ko sa kakatalon… Yes, it may seem childish, para akong highschool na nagkakacrush sa ‘campus heartthrob’. Iba kasi kapag ganito ang sitwasyon eh… bihira lang mangyari na may gusto din sayo yung taong gusto mo…. Second year palang daw, crush na niya ako…. Hehe, nagging crush ko siya nung third year… ngayong gra-graduate na kami… tsaka nagkaalaman… well, alam kong gusto niya ako, alam kaya niya na gusto ko rin siya?
Kailan ko nga ba naramdaman na crush ko siya?
Summer 2003…
nagging mag classmates kami…. First impression ko sa kanya???? Mayabang! Maangas! Maporma! Basta hindi ko siya type! Pero alam niyo ba, nung first time kong mag-report sa harap ng mga bago kong classmates… sakanya lang ako nakatingin --- eye contact -- kay a****o lang nahuhulog ang mga mata ko! Hanggang sa unti unti naramdaman ko na napapangiti na lang ako pag nakikita ko siya, interesado ako pag may naririnig akong ‘chicka’ sa kanya, nahihiya ako kapag nasa malapit siya… ayun, hanggang sa nakaramdam na ako ng kilig! Crush ko na siya!
Tagal ko ring tinago yun….
February 2004…
Nakita ko si A****o sa friendster. Ako ang naginvite, accepted naman ang invitation… at hindi lang yon… May kasamang message pa! from there nagsimula kaming magusap… nagrereklamo kami pareho sa mga subjects, sabi niya galing ko daw mag keyboards, kamukha ko daw si Barbie Almalbis! Biruin mo! Hehe! Until such point in time, around march siguro… naputol na yung communication namin. Ewan ko kung bakit…. siguro nalaman niya na may boyfriend na ako… si JC. Kakalungkot kasi may times na namimis ko yung mga messages niya.
Last week…..
Sinabi saakin ng friend ko na crush nga ako ni A****o…. speechless ang drama ko, na shock, kinilig, parang hihimatayin… after ilang days another friend of ours confirmed that detail… pati ngayon may nag-confirm nanaman! Ang dami palang may alam, matagal na nilang alam. Bakit hindi ko manlang napansin… all these time na nagpapantasya ako na makausap at makasama si annelo…. more or less ganun din pala siya sa akin! Paano kaya kung hindi kami ni JC??? Maging kami kaya ni A****o??? Sabi nga ng friend ko nagbabakasakali nga siya na baka pwede…. Fuck pare! Pano na yan?! I really like him! Love ko si JC…. oh migosh! Ayokong magkasala…. ayaw!